Tapos na ang AAP ng Unibersidad. Ngunit palagi ko ngang sinasabi, hindi dito nagtatapos ang lahat.
marami sa inyo ang aking nakilala. marami ang hndi makakalimutan ng aking isipan. Marahil, sa inyo ring parte, papahalagahan ninyo ang naitulong namin sa inyo, at nang sa gayon, kami ay hindi ninyo kakaligtaan. Maraming salamat sa lahat ng ibinigay ninyong panahon. Maswerte kayo sapagkat pinili ninyo na sumama sa affirmative action program ng UP kaysa magpahinga lamang sa bahay o di kayay magpakasarap sa alon ng buhay. maraming salamat sapagkat itinuon ninyo ang lahat sa pag-aaral.
Marahil, matagal-tagal narin tayong hindi nagkikita habang binabasa ninyo ito. Siguro, may nakapagsabi na mayroon akong ginawa para sa aking mga estudyante. Isang malaking pasasalamat sapagkat naging bukas kayo sa mga itinuturo namin.
Marami pa akong sasabihin. hanggang dito na lang muna.
Kung gusto ninyo ng mga larawan ukol sa AAP, magkumento lamang kayo sa liham na ito.
Paalam.
Sir/Kuya JC
No comments:
Post a Comment